3C's
Choice, Chance, Change
By: Anne
The CHOICE to keep, the CHANCE to start a new, and the power to CHANGE.
CHOICE
Siya
ang kaibigan na lumaki ako'y kasama, kaibigan na laging nandyan para saakin,
kaibigan na lubos na naiiba saakin, ngunit isa sa mga taong higit na
nakakaintindi sa akin, yun ay walang iba kundi si Quency Roa. Malinaw na
malinaw na siya ang kababata ko. Kung kailangan kong pumili ng kaibigan na
gusto kong maging kaibigan sa mahabang panahon, siya iyon. Isa siya sa mga tao
na lubos nakakakilala saakin, alam niya ang aking mga ayaw at gusto, mga
pinagdadaanan sa buhay, narinig ang aking mga mataas at mababang sandali sa
buhay. Para ko siyang kapatid, hindi sa dugo kundi sa puso, ako'y
nagsisinungaling kapag sasabihin kong ayos lang ako kapag masisira ang
pagkakaibigan namin. Gusto ko talagang magpasalamat sa kanya dahil binigyan
niya ako ng magandang pagkakaibigan
CHANCE
Isa siya sa mga naging ate ko, ngunit hindi
kami nagtapos sa isang magandang tala, ang aming koneksyon ay natapos dahil sa
isang pangyayari na nangyari sa loob ng magkabilang panig, ngunit kami na ay
napakahusay ngayon. Minsan nagpapadala kami na mensaha sa isa't isa, ngunit
kadalasang nangyayari ako man o siya ay may ginagawa, kaya't hindi
patulou-tulog ang pagpasa ng mensahe. Kung bigyan ng pagkakataon, gusto ko siya
makausap ng masinsinan, at balikan ang mga nakaraang sandaling. Alam kong
hindi na magiging pareho ang relasyon namin sa dati, ni hindi ko inaasahan na
magiging ganito, ang landas ay naghiwalay na, at may sarili na kaming mga
buhay, ang ang gusto ko lang ay mag usap kami at pasalamatan siya sa lahat na
nagawa niya para saakin at para sa pamilya ko.
CHANGE
Ito ang aking ate, si Emma Palis.
Kung ako ay talagang magpakatotoo, hindi naging maganda ang aming simula,
pumunta siya sa bahay noong ako ay nasa edad na siyam, at sa edad na iyon
talagang wala akong magandang asal. Hindi naman sa lahat ng oras nag-aaway
kami, pero may mga panahon na tinataas ko iyong boses ko, sa mga sandaling yun
syempre nagagalit siya, kaya hindi niya ako kakausapin hanggat hihingi ako ng
patawad. Ang mga sandaling tulad nito ay natuto at naisip ko ang aking mga
kilos. Hindi lang niya ipinakita sa akin, ngunit tinuruan din niya ako kung
paano pahalagahan ang mga maliliit na bagay sa buhay. Kaya naman isa siya sa
mga taong pinahahalagahan ko, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga itinuro at
ginawa niya para saakin.
Comments
Post a Comment