Pagpapahalaga sa Pagiging Asyano

 PAGPAPAHALAGA SA PAGIGING ASYANO

BY: ANNE



Sa dinadami daming lahi at etnisidad ako'y nabibilang sa Asyano.

Magandang araw ako po si Anne at ilalahad ko ang aking talumpati tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging Asyano

Unang una dapat ba natin ipagmamalaki ang pagiging isang Asyano? Ang sagot sa tanong na iyan ay Oo. Ang pagiging Asyano ay talagang isang bagay na dapat ipagmamalaki.
Mayroon tayong bagay na wala sa iba, Mayroon tayong tradisyon at kultura na nakakaiba, Mayroon tayong ugali at katangian na tayong mga Asyano lamang ang meron.

Ang pagiging Asyano ay isang karangalan. Ipinagmamalaki kong sabihin na tayong mga Asyano ay maraming naiambag sa mundong ito. Nag-ibento at lumikha tayo ng mga maraming bagong bagay upang masubukan ng mundo. Mayroon tayong mga pinakamagagandang lugar na nais bisitahin ng lahat ng mga tao sa mundo, tulad ng Ha long bay na nagmumula sa Vietnam, Disneyland sa Honkong, Magagandang beaches sa Pilipinas, at marami pang iba. Lumikha rin tayo ng mga masasarap na pagkain na naging paborito ng maraming mga tao. Kahit na ilang mga bagay lamang ang nabanggit ko, sapat na iyon upang maipagmalaki ang ating sarili bilang isang Asyano.

Tayong mga Asyano ay nakapagbahagi at Nakapagbigay na ng kaligayahan sa mundo at patuloy pa rin hanggang sa araw na ito, ang magawa ang mga bagay na ito ay isang malaking pribilehiyo. Alam kong ang talumpating ito ay tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging Asyano, ngunit nais kong sabihin ang mensaheng ito hindi lamang sa aking mga kapwa Asyano ngunit sa lahat. Kahit ano man tayo, lahi, etnisidad, huwag kailanman kalimutan palaging maging masaya at ipagmamalaki ang sarili, walang dahilan upang ikakahiya kung sino man tayo. Huwag mong hayaan na pigilan ka sa pagmamahal sa iyong sarili.

"Lets bring peace and prosperity to this world."

-Anne

CREDITS:
-Background Picture from Pinterest: rawpixel
-Cameo montage in video from:

Comments