Pagiging Tao o Pagpapakatao

 Pagiging Tao o Pagpapakatao?

By: Anne






    Tinanong ang katanungang ito, kung ano ang mas madaling gawin ang Pagiging Tao o ang Pagpapakatao. Mukhang nakalilito pakinggan ito noong una, ngunit kapag pinag-aralan at inisip mo ito nang malalim at mabuti, malalaman mo ang pagkakaiba ng Pagiging Tao at Pagpapakatao. Para sa akin, ang pagiging tao ay paggawa lamang ng mga bagay na kailangang gawin ng isang tao para masunod o makamit ang pang-araw-araw na pangangailangan ng isang tao para mabuhay, tulad ng pagkain, pagligo at pagtulog. Habang ang pagpapakatao naman ay sa tingin ko ang ugali ng isang tao, nagpapahiwatig na kung sino at anong uri ang taong iyon. Sa madaling salita din, ang pagiging tao ay pangangailangan habang ang pagpapakatao ay pagpipilian o kagustuhan.
 
    Sa totoo lang ay napakadaling sagutin nito, siyempre ang PAGIGING TAO ang mas madali para saakin. Bakit pagiging tao? pagiging tao dahil may mga kadahilanan kung saan kailangan mong gawin araw-araw upang magkaroon ng isang malusog na buhay, karaniwang natutugunan nito ang pangunahing pang-araw-araw na pangangailangan ng tao, at ginagawa ko ito araw-araw kaya't mas madali ang pagiging tao para saakin. Sa kabilang dako, ang pagpapakatao ay mahirap gawin at sa tingin ko alam ito ng lahat. Para saakin, mahirap ang pagpapakatao dahil maaari kang husgahan at laitin, palaging may mga sitwasyon na kung saan kahit anong gawin mo, palagi kang hinuhusgahan at pinupuna, tulad ng mga tao sa social media, kinukunan nila ang kanilang sarili kapag nagbibigay sa mga tao, maaaring sabihin ng ilan na nagmamayabang sila at maaaring sabihin ng ilan na sinusubukan nilang impluwensyahan ang mga tao na gawin ang parehong bagay. Bawat tao ay may natatangi at magkakaibang pagkatao, binuo at hinubog natin ang ating pagkatao batay sa mga bagay na natutunan at kung ano ang ating naranasan sa buhay.
 
 
    Sa aking karanasan, kahit na nagpahayag ako ng tunay na damdamin sa kanila, may ilang mga tao talaga na palaging ipalagay na ako ay hindi sinsero. Sa totoo lang, minsan hindi ko sila masisisi, gumawa ako ng mga maling bagay dati na maaaring maging dahilan kung bakit nila linlangin ang aking intensyon o pagkatao. Sa pangkalahatan, napaka halata na ipalagay na ang pagiging tao ay mas madaling gawin sa buhay kaysa sa pagpapakatao.

 







Comments