Pagtulong sa Kapwa

 PAGTULONG SA KAPWA

BY: ANNE



Masarap sa pakiramdam ang pagtulong sa kapwa, lalo na kapag bakas sa mga ngiti ng iyong natulungan ang kanilang saya at pagsasalamat. Ngunit sa blog na ito gusto kong ipapahiwatig ang aking nararamdaman bilang isang tao na natutulungan. 

To my Kuyas

 
Kabilang din kami sa mga magkakapatid na hindi mahilig magbahagi ng damdamin. Dahil diyan gusto gamitin ang aktibidad na ito bilang isang pagkakataon upang makapahayag ng labis na pagsasalamat. Nakakapagsalamat na ako sakanila ngunit sa tingin ko hindi nila naintindihan na kung gaano ako kasaya na naging parte sila ng buhay ko. 

Sa mga araw ako'y may problema palagi kayo nandiyan para saakin, kahit na itinataboy ko kayo o sinusungitan, hindi kayo sumuko at patuloy niyo parin ako tinulungan. Sa mga panahong matigas yong ulo ko, binalewala niyo ang pagsusungit ko at hindi kayo nagdadalawang isip tulungan akong ipagtanto ang aking mga maling kilos. Sa mga oras ako'y naguguluhan, palagi kayo nandiyan makinig at magbigay payo. Ako'y lubos nagpapasalamat sa inyong dalawa.

Mahalagang magtutulongan sa kapwa. Tayo'y ginawa upang magtulungan isa't isa, hindi man tayo naiugnay sa dugo ngunit sa kaibuturan sa ating mga puso tayo ay iisa. Malaki man o maliit, bawat pamamaraan ng pagtulong ay pinahalagahan, may kasabihan nga naman "Its the thought that counts".

-Anne♡

CREDIT:
Background Picture from Pinterest: rawpixel


Comments